Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 19:32-38 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Mabuti pa'y lasingin natin siya at ating sipingan para magkaanak tayo.”

33. Nilasing nga nila ang kanilang ama nang gabing iyon. Sa kalasingan ni Lot, hindi niya namalayang nakipagtalik siya sa anak niyang panganay.

34. Kinabukasa'y sinabi ng panganay sa bunso, “Kagabi'y sumiping ako sa ating ama; lasingin natin siya uli mamaya, at ikaw naman ang sumiping nang pareho tayong magkaanak.”

35. Nilasing nga nila uli si Lot nang gabing iyon, at ang bunso naman ang sumiping. Tulad ng dati, hindi namalayan ni Lot ang kanyang pakikipagtalik dahil sa kalasingan.

36. Bunga nito, kapwa nagdalang-tao ang magkapatid.

37. Nagkaanak ng lalaki ang panganay at tinawag niyang Moab. Siya ang ninuno ng mga Moabita ngayon.

38. Lalaki rin ang naging anak ng bunso at tinawag naman niya itong Ben-ammi. Siya naman ang ninuno ng mga Ammonita ngayon.