Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 15:13-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Sinabi ni Yahweh, “Ang iyong mga anak at apo ay mangingibang-bayan at magiging alipin doon sa loob ng 400 taon.

14. Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila, at pag-alis nila roon ay marami silang kayamanang madadala.

15. Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.

16. Daraan muna ang apat na salinlahi bago sila makabalik dito, sapagkat hindi ko muna paparusahan ang mga Amoreo hanggang sa maging sukdulan ang kanilang kasamaan.”

17. Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng mga pinatay na hayop.

18. At nang araw na iyon, gumawa si Yahweh ng kasunduan nila ni Abram at ganito ang sinabi niya: “Ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates,

19. kasama ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo,

20. Heteo, Perezeo at Refaita,