Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 13:11-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Kaya pinili niya ang dakong silangan sa Kapatagan ng Jordan, at naghiwalay nga sila ni Abram.

12. Nanatili si Abram sa Canaan. Samantala, si Lot ay nanirahan naman sa mga lunsod sa kapatagan na malapit sa Sodoma.

13. Napakasama ng mga tao sa lunsod ng Sodoma; namumuhay sila nang laban kay Yahweh.

14. Pagkaalis ni Lot, sinabi ni Yahweh kay Abram, “Tumanaw ka sa palibot mo.

15. Ang buong lupaing natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo, at sa magiging lahi mo magpakailanman.

16. Ang iyong mga salinlahi ay gagawin kong sindami ng alikabok sa lupa na di kayang bilangin ninuman.

17. Libutin mo na ang buong lupain; ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo.”

18. Lumipat si Abram sa Hebron, at doon tumira sa tabi ng malalaking puno sa Mamre. Nagtayo siya roon ng altar para kay Yahweh.