Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 11:8-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod.

9. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

10. Ito ang kasaysayan ng mga lahi na nagmula kay Shem. Dalawang taon makalipas ang baha, si Shem ay nagkaanak ng isang lalaki, si Arfaxad. Si Shem ay sandaang taĆ³ng gulang na noon.

11. Nabuhay pa siya nang 500 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak.

12. Nang si Arfaxad ay tatlumpu't limang taon na, nagkaanak siya ng isang lalaki, si Shela.

13. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak.

14. Tatlumpung taon na noon si Shela nang maging anak niya si Heber.

15. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

16. Sa gulang na tatlumpu't apat na taon, naging anak ni Heber si Peleg.

17. Nabuhay pa siya nang 430 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

18. Sa gulang na tatlumpung taon, naging anak ni Peleg si Reu.

19. Nabuhay pa siya nang 209 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak.

20. Si Reu naman ay tatlumpu't dalawang taon na nang maging anak niya si Serug.

21. Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

22. Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nahor.

23. Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

24. Naging anak naman ni Nahor si Terah nang siya'y dalawampu't siyam na taon.