Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 11:21-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

22. Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nahor.

23. Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

24. Naging anak naman ni Nahor si Terah nang siya'y dalawampu't siyam na taon.

25. Nabuhay pa siya nang 119 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

26. Pitumpung taon na si Terah nang magkaanak ng tatlong lalaki: sina Abram, Nahor at Haran.

27. Ito naman ang kasaysayan ng mga anak ni Terah na sina Abram, Nahor at si Haran na ama ni Lot.

28. Buháy pa si Terah nang mamatay si Haran sa kanyang sariling bayan ng Ur, sa Caldea.

29. Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nahor si Milca na anak ni Haran na ama rin ni Isca.

30. Si Sarai ay hindi magkaanak sapagkat baog siya.

31. Umalis si Terah sa bayan ng Ur, Caldea, kasama ang kanyang anak na si Abram, ang asawa nitong si Sarai at si Lot na anak ni Haran. Papunta sila sa Canaan ngunit nang dumating sa Haran, doon na sila nanirahan.

32. Doon namatay si Terah sa gulang na 205 taon.