Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 11:15-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

16. Sa gulang na tatlumpu't apat na taon, naging anak ni Heber si Peleg.

17. Nabuhay pa siya nang 430 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

18. Sa gulang na tatlumpung taon, naging anak ni Peleg si Reu.

19. Nabuhay pa siya nang 209 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak.

20. Si Reu naman ay tatlumpu't dalawang taon na nang maging anak niya si Serug.

21. Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

22. Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nahor.

23. Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

24. Naging anak naman ni Nahor si Terah nang siya'y dalawampu't siyam na taon.

25. Nabuhay pa siya nang 119 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak.

26. Pitumpung taon na si Terah nang magkaanak ng tatlong lalaki: sina Abram, Nahor at Haran.

27. Ito naman ang kasaysayan ng mga anak ni Terah na sina Abram, Nahor at si Haran na ama ni Lot.

28. Buháy pa si Terah nang mamatay si Haran sa kanyang sariling bayan ng Ur, sa Caldea.

29. Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nahor si Milca na anak ni Haran na ama rin ni Isca.

30. Si Sarai ay hindi magkaanak sapagkat baog siya.