Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 10:21-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Si Shem, ang nakatatandang kapatid ni Jafet, ang pinagmulan naman ng lahi ni Heber.

22. Ang kanyang mga anak ay sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram.

23. Ang mga anak naman ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.

24. Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber.

25. Dalawa ang anak ni Heber: ang isa'y tinawag na Peleg, sapagkat noong panahon niya ay nagkahiwa-hiwalay ang mga tao sa daigdig; ang kapatid niya ay si Joctan.

26. Si Joctan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jerah,

27. Hadoram, Uzal, Dikla,

28. Obal, Abimael, Sheba,

29. Ofir, Havila at Jobab. Sila ang mga anak na lalaki ni Joctan.

30. Mula sa Mesha hanggang Sefar sa kaburulan sa silangan ang lawak ng kanilang lupain.

31. Ito ang lahi ni Shem ayon sa kani-kanilang angkan, wika at bansa.

32. Ito ang mga bansang nagmula sa mga anak ni Noe mula sa kanilang mga angkan. Sa kanila nagmula ang lahat ng bansa na lumaganap sa buong daigdig pagkatapos ng baha.