Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 10:13-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Si Egipto ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab at Naftuh,

14. gayon din ng mga taga-Patrus, Casluh at Caftor na pinagmulan ng mga Filisteo.

15. Ang panganay ni Canaan ay si Sidon na sinundan ni Het.

16. Kay Canaan din nagmula ang mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,

17. Hivita, Araceo, Sineo,

18. Arvadeo, Zemareo at Hamateo. Simula noon, kung saan-saan nakarating ang mga Cananeo.

19. Mula sa Sidon, ang kanilang hangganan sa gawing timog ay umabot sa Gerar na malapit sa Gaza. Sa gawing silangan naman, umabot sila sa Sodoma, Gomorra, Adma at Zeboim na malapit sa Lasa.

20. Ito ang lahi ni Ham na nanirahan sa iba't ibang lupain at naging iba't ibang bansa na may kani-kanilang wika.

21. Si Shem, ang nakatatandang kapatid ni Jafet, ang pinagmulan naman ng lahi ni Heber.