Magandang Balita Biblia Revisi

Filemon 1:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mula kay Pablo, isang bilanggo dahil kay Cristo Jesus, at mula kay Timoteo na ating kapatid—Para kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa,

2. at para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming naglilingkod sa Panginoon.

3. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

4. Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin

5. sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus.

6. Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.

7. Kapatid, ang pag-ibig na iyon ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.

8. Kaya nga, malakas ang loob kong iutos sana sa iyo ang nararapat gawin bilang kapatid mo kay Cristo,

9. ngunit mas minabuti kong makiusap sa iyo sa pangalan ng pag-ibig. Akong si Pablo, na sugo ni Cristo Jesus at ngayo'y nakabilanggo dahil sa kanya,