Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 48:21-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ang natitira sa magkabilang panig ng itinalaga kay Yahweh at ng bahagi para sa lunsod ay ukol naman sa pinuno. Ang ukol kay Yahweh

22. at sa lunsod ay nasa gitna ng dalawang bahagi ukol sa pinuno at ito naman ay nakapagitan sa bahaging ukol sa lipi nina Juda at Benjamin.

23. Ito naman ang para sa iba pang lipi: mula rin sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Benjamin.

24. Karatig ng bahagi ng lipi ni Benjamin ang bahagi naman ukol sa lipi ni Simeon.

25. Karatig ng lipi ni Simeon ang ukol sa lipi ni Isacar;

26. karatig ng lipi ni Isacar ang ukol sa lipi ni Zebulun;

27. karatig ng lipi ni Zebulun ang ukol sa lipi ni Gad.

28. Sa timog, ang hangganan ng ukol sa lipi ni Gad ay mula sa Tamar hanggang sa may bukal ng Kades, sa hangganan ng Egipto hanggang sa Dagat Mediteraneo.

29. Ganyan ang magiging paghahati ng lupain sa mga lipi ng Israel.