Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 48:15-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang natitirang 2.5 kilometro sa luwang, at 12.5 kilometro sa haba ay para sa lahat. Maaari itong tirhan at gamitin ng kahit sino at sa gitna nito ang lunsod.

16. Ito naman ang sukat ng lunsod: 2,250 metro ang haba, gayon din ang luwang.

17. Sa paligid nito ay mag-iiwan kayo ng bakanteng 125 metro.

18. Ang natitira pa sa magkabilang dulo na humahangga sa bahaging iniukol kay Yahweh na tiglimang kilometro ang haba at dalawa't kalahating kilometro ang luwang ay para naman sa mga mag-aasikaso ng lunsod; lahat ng aanihin dito ay ukol sa kanila.

19. Ang mga manggagawang ito sa lunsod ay mula sa iba't ibang lipi ng Israel.

20. Lahat-lahat ng inyong ibubukod ukol kay Yahweh at sa lunsod ay 12.5 kilometrong parisukat.

21. Ang natitira sa magkabilang panig ng itinalaga kay Yahweh at ng bahagi para sa lunsod ay ukol naman sa pinuno. Ang ukol kay Yahweh

22. at sa lunsod ay nasa gitna ng dalawang bahagi ukol sa pinuno at ito naman ay nakapagitan sa bahaging ukol sa lipi nina Juda at Benjamin.