Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 48:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang magiging ayos ng partihan ng bawat lipi: mula sa dulong hilaga, sa gawi ng Hetlon hanggang Lebohamat at Hazar-enan sa gawing timog ng Damasco, mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Dan.

2. Kahangga ng lipi ni Dan, mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Asher.

3. Kahangga ng lipi ni Asher mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Neftali.

4. Kahangga ng lipi ni Neftali mula sa silangan hanggang kanluran, isang bahagi para sa lipi ni Manases.

5. Kahangga ng lipi ni Manases mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Efraim.