Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 42:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ako'y isinama ng lalaki sa patyo sa labas at nagtuloy kami sa gusali sa gawing hilaga ng templo at malapit sa dulo nito sa kanluran.

2. Ang haba ng gusaling ito ay limampung metro at dalawampu't limang metro naman ang luwang.

3. Ang kalahati nito ay nakaharap sa patyong sampung metro ang luwang at ang isa pang kalahati sa patyong nalalatagan ng bato. Ito ay tatlong palapag.

4. Sa hilaga ng gusali ay may isang daanang apat at limang metro ang luwang at limampung metro ang haba.

5. Ang mga silid sa pangatlong palapag ay maliit kaysa una at pangalawa dahil sa balkon nito.

6. Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.