Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 39:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, magpahayag ka laban sa Gog. Sabihin mong ipinapasabi ko: Ako'y laban sa iyo, Gog, pangunahing pinuno ng Meshec at Tubal.

2. Babaligtarin kita, at mula sa dulong hilaga ay itataboy sa kabundukan ng Israel.

3. Pagkatapos, aagawin ko ang pana at mga palaso sa iyong mga kamay.

4. Ikaw at ang iyong buong hukbo ay malilipol sa kabundukan ng Israel, pati ang makapal mong tauhan. Ang inyong mga bangkay ay pababayaan kong kanin ng mga ibon at lapain ng mababangis na hayop.

5. Sinasabi kong mabubuwal ka sa kaparangan.

6. Lilikha ako ng sunog sa Magog at sa baybayin ng dagat, ang lugar na hindi dating nakakaranas ng gulo. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.