Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 37:13-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako si Yahweh.

14. Hihingahan ko kayo upang kayo'y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong si Yahweh ang nagsabi nito at aking gagawin.”

15. Sinabi sa akin ni Yahweh,

16. “Ezekiel, anak ng tao, kumuha ka ng isang putol na kahoy at sulatan mo ng, ‘Ang kaharian ng Juda.’ Pagkatapos, kumuha ka ng isa pa at sulatan mo naman ng, ‘Ang kaharian ng Israel.’

17. Pagkaraan noon, pagdugtungin mo ito na parang iisa ang hawak mo.