Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 35:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Sa gayon, malalaman din ninyo na alam ko ang inyong kalapastanganan nang sabihin ninyong ang kaburulan ng Israel ay winasak upang inyong sakupin.

13. Kinalaban ninyo ako at pinagsalitaan nang kung anu-ano. Ito'y hindi lingid sa akin.

14. Wawasakin kita nang lubusan at ito'y ikatutuwa ng buong mundo.

15. Gagawin ko sa iyo ang ikinatuwa mong pagkawasak ng Israel na aking hinirang. Wawasakin kita, Bundok ng Seir, at ito ang magiging wakas ng buong Edom. Sa gayon, makikilala ng lahat na ako si Yahweh.”