Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 26:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Noong unang araw ng buwan, ng ika-11 taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ni Yahweh:

2. “Ezekiel, anak ng tao, nang mawasak ang Jerusalem, sinabi ng Tiro: ‘Ngayong bagsak na ang pangunahing bansa, ako naman ang uunlad.’

3. Dahil dito, sabihin mo sa kanyang ito ang ipinapasabi ko: Tiro, ako'y laban sa iyo. Ipapalusob kita sa maraming bansa, tulad ng paghampas ng maraming alon sa dagat.

4. Iguguho nila ang iyong kuta at ibabagsak ang iyong mga toreng bantayan. Kakalkalin ko ang iyong lupa hanggang sa bato ang matira.