Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 17:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi sa akin ni Yahweh,

2. “Ezekiel, anak ng tao, bigyan mo ng palaisipan ang Israel,

3. para malaman nila na akong si Yahweh ang nagsasalita sa kanila. Ito ang talinhaga: Isang agila ang dumating sa Lebanon. Mahaba ang pakpak nito at malagung-malago ang balahibong iba't iba ang kulay. Dumapo ito sa isang punong sedar.

4. Pinutol nito ang pinakamataas na sanga niyon, tinangay at itinayo sa lupain

5. at itinanim sa matabang lupa sa tabi ng tubig.

6. Tumubo ito at naging baging na gumagapang sa lupa. Ang mga sanga nito'y nakaturo sa puno at ang ugat ay tumubo nang pailalim. Naging baging nga ito, nagsanga at nagsupling.

7. “Ngunit may dumating na isa pang malaking agila; malapad din ang pakpak at malago ang balahibo. Ang mga sanga at ugat ng baging ay humarap sa agilang ito sa pag-aakalang siya'y bibigyan nito ng mas maraming tubig.

8. Ito'y nakatanim sa matabang lupain sa tabi ng tubig, at maaaring lumago hanggang maging punong balot ng karangalan.