Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 15:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi sa akin ni Yahweh,

2. “Ezekiel, anak ng tao, ano ba ang kahigtan ng puno ng ubas kaysa punongkahoy sa gubat?

3. Mayroon ba itong ibang mapaggagamitan? Maaari ba itong gawing tulos o sabitan ng kagamitan?

4. Hindi! Ito ay panggatong lamang. At kung masunog na ito'y wala nang silbi.