Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 14:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minsan, pumunta sa akin ang ilang pinuno ng Israel upang magpasangguni kay Yahweh.

2. Ang sabi naman sa akin ni Yahweh,

3. “Ezekiel, anak ng tao, ang mga ito'y nahumaling na sa diyus-diyosan at naibunsod sa kasamaan. Hindi ko sila tutugunin sa pagsangguni nila sa akin.

4. Sabihin mo na lamang sa kanila na ipinapasabi kong huwag sasangguni sa mga propeta ang sinumang Israelitang sumasamba sa diyus-diyosan na naging dahilan ng patuloy nilang pagkakasala. Kapag sumangguni sila, tuwiran kong ibibigay sa kanila ang sagot na nararapat sa marami nilang diyus-diyosan.

5. Sa pamamagitan ng sagot kong ito, manunumbalik sa akin ang mga Israelitang ito na nahumaling sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.