Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 12:23-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Sabihin mo sa kanilang mawawala na ang kasabihang iyan, hindi na ito maririnig sa Israel. Sabihin mo ring malapit nang matupad ang lahat ng inihayag sa kanila.

24. Mula ngayo'y mawawala na ang maling pagpapahayag sa sambayanang Israel.

25. Akong si Yahweh ang magsasabi ng dapat sabihin. Hindi na magtatagal, mga Israelitang mapaghimagsik, at mangyayari sa inyong kapanahunan ang lahat ng aking sasabihin.”

26. Sinabi pa sa akin ni Yahweh,

27. “Ezekiel, anak ng tao, sinasabi ng mga Israelita na ang nakikita mong mga pangitain ay hindi magkakatotoo kung ngayon lamang. Magtatagal pa raw bago mangyari ang inihahayag mo ngayon.