Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 10:9-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Nang ako'y tumingin, nakita kong may isang gulong sa tabi ng bawat kerubin. Ang mga gulong ay kumikislap, tulad ng topaz.

10. Magkakamukha ang mga ito at parang iisa.

11. Sila'y nakababaling kahit saan, hindi na kailangang pumihit. Saanman gumawi ang nasa unahan, sumusunod ang iba nang hindi na pumipihit.

12. Ang kanilang katawan, likod, kamay, pakpak, pati mga gulong ay puno ng mata. Ang mga kerubin ay tig-iisang gulong,

13. at ang tawag sa kanila ay “Mga Umiikot na Gulong.”

14. Bawat kerubin ay tig-aapat ang mukha: kerubin, tao, leon, at agila.

15. Ang mga kerubin ay tumayo. Ito rin ang mga nilalang na buháy na nakita ko sa may Ilog Kebar.

16. Paglakad ng mga ito, lumalakad din ang mga gulong; pagtaas ng mga ito, tumataas din ang mga gulong.

17. Pagtigil nila, tumitigil din ang mga gulong. Pagtaas noong isa, sunod ang ikalawa pagkat iisa ang nagpapagalaw sa mga nilalang na buháy at sa mga gulong.