Magandang Balita Biblia Revisi

Ezekiel 10:7-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang isa sa mga kerubin ay dumakot ng baga na nasa kanilang kalagitnaan at ibinigay sa lalaki; at ito'y umalis.

8. Ang mga kerubin ay may mga tila kamay nga ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.

9. Nang ako'y tumingin, nakita kong may isang gulong sa tabi ng bawat kerubin. Ang mga gulong ay kumikislap, tulad ng topaz.

10. Magkakamukha ang mga ito at parang iisa.

11. Sila'y nakababaling kahit saan, hindi na kailangang pumihit. Saanman gumawi ang nasa unahan, sumusunod ang iba nang hindi na pumipihit.

12. Ang kanilang katawan, likod, kamay, pakpak, pati mga gulong ay puno ng mata. Ang mga kerubin ay tig-iisang gulong,

13. at ang tawag sa kanila ay “Mga Umiikot na Gulong.”