Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 6:9-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, ngunit ayaw na nilang maniwala dahil sa panghihina ng loob at dahil sa matinding kahirapang kanilang dinaranas.

10. Nang muli silang mag-usap, sinabi ni Yahweh kay Moises,

11. “Pumunta ka sa Faraon, at sabihin mong payagan nang umalis ang mga Israelita.”

12. “Kung ang mga Israelita ay ayaw makinig sa akin, ang Faraon pa kaya? Ako'y hindi mahusay magsalita.” sagot ni Moises.

13. Ngunit sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa mga Israelita at sa Faraon na inatasan ko kayo na ilabas sa Egipto ang mga Israelita.”

14. Ito ang mga puno ng pinagmulang angkan nina Moises at Aaron: ang kay Ruben na siyang panganay ni Israel ay sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi.

15. Ang kay Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul na anak ng isang Cananea.

16. Kay Levi naman ay sina Gershon, Kohat at Merari. Si Levi ay nabuhay nang 137 taon.

17. Ang naging anak naman ni Gershon ay sina Libni at Seimei.

18. Ang kay Kohat naman ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat nang 133 taon.