Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 6:17-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang naging anak naman ni Gershon ay sina Libni at Seimei.

18. Ang kay Kohat naman ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat nang 133 taon.

19. Naging anak ni Merari sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan sa lipi ni Levi.

20. Napangasawa ni Amram si Jocebed na kapatid ng kanyang ama at naging anak nila sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay nang 137 taon.

21. Naging anak ni Izar sina Korah, Nefeg at Zicri.

22. Ang mga anak naman ni Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri.

23. Napangasawa ni Aaron si Elisabet na kapatid ni Naason at anak ni Aminadab. Naging anak nila sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.