Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 6:16-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Kay Levi naman ay sina Gershon, Kohat at Merari. Si Levi ay nabuhay nang 137 taon.

17. Ang naging anak naman ni Gershon ay sina Libni at Seimei.

18. Ang kay Kohat naman ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat nang 133 taon.

19. Naging anak ni Merari sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan sa lipi ni Levi.

20. Napangasawa ni Amram si Jocebed na kapatid ng kanyang ama at naging anak nila sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay nang 137 taon.

21. Naging anak ni Izar sina Korah, Nefeg at Zicri.

22. Ang mga anak naman ni Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri.

23. Napangasawa ni Aaron si Elisabet na kapatid ni Naason at anak ni Aminadab. Naging anak nila sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

24. Ang mga anak ni Korah ay sina Asir, Elcana at Abiasaf. Ito ang mga angkan sa lipi ni Korah.

25. Napangasawa ni Eleazar na anak ni Aaron ang isang anak ni Futiel at naging anak nila si Finehas. Ito ang mga puno ng angkan ng mga Levita ayon sa kani-kanilang lipi.

26. Sina Aaron at Moises ang inutusan ni Yahweh na manguna sa Israel upang mailabas sila sa Egipto ayon sa kani-kanilang lipi.

27. Kaya't sinabi nila sa Faraon na palayain ang mga Israelita.