Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 40:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Sa unang araw ng unang buwan, itayo mo ang tabernakulo ng Toldang Tipanan.

3. Ilagay mo sa loob nito ang Kaban ng Tipan, at tabingan mo.

4. Ipasok mo ang mesa at ipatong mo roon ang kagamitan niyon. Ipasok mo rin ang ilawan at iayos ang mga ilaw.

5. Ang altar na gintong sunugan ng insenso ay ilagay mo sa tapat ng Kaban ng Tipan at kabitan mo ng tabing ang pintuan nito.

6. Ang altar namang sunugan ng mga handog ay ilagay mo sa harap ng tabernakulo ng Toldang Tipanan.