Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 39:30-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

30. Ang turbante ay nilagyan nila ng palamuting ginto at may nakaukit na ganitong mga salita: “Nakalaan kay Yahweh.”

31. Ito'y itinali nila sa turbante sa pamamagitan ng kordong asul, tulad ng utos ni Yahweh.

32. Natapos nilang gawin ang Toldang Tipanan ayon sa iniutos ni Yahweh; gayundin ang lahat ng mga kagamitan doon.

33. Ipinakita nila kay Moises ang lahat: ang tabernakulo, ang tolda at lahat ng gamit dito, ang mga kawit, ang mga patayo at pahalang na balangkas, tukod at mga tuntungan nito;

34. ang mga pantakip na balat ng tupa na kinulayan ng pula, balat ng kambing, at ang mga tabing;

35. ang Kaban ng Tipan, ang mga pasanan nito at ang Luklukan ng Awa.

36. Ipinakita rin nila ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang tinapay na panghandog sa Diyos,

37. ang ilawang ginto, ang mga ilaw at ang iba pang mga kagamitan nito, at ang langis para sa mga ilaw;

38. ang altar na ginto, ang langis na pampahid, ang mabangong insenso at ang kurtina para sa pintuan ng tolda.

39. Ipinakita rin nila ang altar na tanso, kasama ang parilyang tanso, ang mga pasanan at lahat ng kagamitan ng altar, ang palangganang tanso at ang patungan nito;