Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 39:18-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Ang kabilang dulo naman ay itinali nila sa dalawang patungang ginto sa tali sa balikat ng efod.

19. Gumawa rin sila ng dalawang argolya at ikinabit sa dalawang sulok sa gawing ibaba ng pektoral.

20. Gumawa rin sila ng dalawang argolyang ginto at ikinabit sa ibaba ng tali sa balikat, sa may tahi, sa itaas ng pamigkis ng efod.

21. Ang argolya ng pektoral at ng efod ay pinagkabit nila ng lubid na asul para hindi magkahiwalay. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh.

22. Gumawa rin sila ng damit na nasa ilalim ng efod. Ito'y yari sa lanang kulay asul,

23. at may butas na suotan ng ulo; ang butas ay may tupi upang hindi matastas.

24. Ang laylayan nito'y nilagyan nila ng mga palawit na tila bunga ng punong granada; ang mga ito'y yari sa pinong lino, at lanang asul, kulay ube at pula.

25. Gumawa rin sila ng mga kampanilyang ginto at ikinabit sa laylayan, sa pagitan ng mga palawit.

26. Kaya ang laylayan ay may isang hilera ng mga palawit na mukhang bunga ng punong granada at mga kampanilyang ginto. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh.

27. Gumawa rin sila ng mahabang panloob na kasuotan para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ang mga ito'y yari sa pinong lino,