Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 39:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ginawa nila ang kasuotan ni Aaron ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises. Lanang kulay asul, kulay ube at pula ang ginamit nila sa kasuotan ng mga pari.

2. Mainam na lino, lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula ang ginamit nila sa efod.

3. Ang ginto ay pinitpit nila nang manipis at ginupit nang pino na parang sinulid, at inihalo sa paghabi sa lanang kulay asul, kulay ube at pula at sa mainam na lino.

4. Ang efod ay kinabitan nila ng malapad na tali na siyang nagdudugtong sa likod at harap.