Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 37:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. tig-isa sa magkabilang dulo. Ikinabit niya itong mabuti sa Luklukan ng Awa, kaya ito at ang mga kerubin ay naging isang piraso.

9. Magkaharap ang mga kerubin at nakatungo sa Luklukan ng Awa. Nakabuka ang kanilang mga pakpak at nakalukob dito.

10. Gumawa rin ng mesang akasya si Bezalel; 0.9 na metro ang haba nito, 0.5 metro ang lapad at 0.7 metro ang taas.

11. Binalot niya ito ng ginto at pati na ang paligid.

12. Nilagyan niya ito ng sinepa na singlapad ng isang palad at pinaligiran din ng ginto.