Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 37:17-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Gumawa rin siya ng ilawang yari sa purong ginto. Ang patungan at tagdan nito'y yari sa pinitpit na purong ginto. Ang mga palamuti nitong bulaklak, ang buko at mga talulot ay parang iisang piraso.

18. Mayroon itong anim na sanga, tigatlo sa magkabila.

19. Bawat sanga ay may tatlong magagandang bulaklak na parang almendra, may usbong at may talulot.

20. Ang tagdan ay may tig-apat ding bulaklak na tulad ng nasa sanga.