Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 36:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang haba ng bawat piraso ay 13 metro at 2 metro naman ang lapad.

10. Ang mga ito ay pinagkabit-kabit nila nang tiglilima.

11. Gumawa sila ng mga silo na yari sa taling asul at ikinabit sa gilid ng bawat piraso,

12. tiglilimampung silo bawat isa.

13. Gumawa sila ng limampung kawit na ginto at sa pamamagitan nito'y pinagkabit ang dalawang piraso. Kaya ang sampung pirasong damit na ginamit sa tabernakulo ay parang isang piraso lamang.