Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 36:24-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. at apatnapung patungang pilak na may suotan ng mitsa.

25. Dalawampu rin ang ginawa nilang haligi sa gawing hilaga

26. at apatnapung patungang pilak din, dalawa sa bawat haligi.

27. Para sa likod, sa gawing kanluran ay anim na haligi

28. at dalawa naman para sa mga sulok.

29. Ang mga haligi sa magkabilang sulok ay magkadikit mula ibaba hanggang itaas, sa may unang argolya.

30. Samakatuwid, walo ang haliging nagamit sa likod at may tigalawang patungang pilak ang bawat isa.

31. Gumawa rin siya ng pahalang na balangkas na yari sa akasya, lima sa isang gilid,

32. lima sa kabila at lima rin sa likod.

33. Ang pahalang na haliging panggitna ay abot sa magkabilang gilid ng dingding.

34. Binalot nila ng ginto ang mga haligi at kinabitan ng argolyang ginto na pagsusuutan ng mga pahalang na haligi na binalot din ng ginto.

35. Gumawa rin sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula; ito'y binurdahan nila ng larawan ng kerubin.

36. Gumawa sila ng apat na haliging akasya na kabitan ng tabing. Binalot nila ito ng ginto, kinabitan ng kawit na ginto rin at itinayo sa apat na tuntungang pilak.

37. Para sa pintuan, gumawa sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula at binurdahan nang maganda.