Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 36:15-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Bawat isa nito'y 13 metro ang haba at 2 metro naman ang lapad.

16. Pinagkabit-kabit nila ang limang piraso; ganoon din ang anim na natira.

17. Kinabitan nila ng tiglilimampung silo ang gilid ng bawat piraso.

18. Pagkatapos, gumawa sila ng limampung kawit na tanso at sa pamamagitan nito'y pinagkabit nila ang dalawang piraso para maging isa lamang.

19. Tinakpan nila ito ng pinapulang balat ng tupa at pinatungan pa ng balat ng kambing.

20. Gumawa rin sila ng mga patayong haliging gawa sa akasya para sa tabernakulo.

21. Bawat haligi ay 4 na metro ang haba at 0.7 metro naman ang lapad.

22. Bawat haligi ay nilagyan nila ng mitsa para sa pagdurugtong.

23. Dalawampung haligi ang ginawa nila para sa gawing timog

24. at apatnapung patungang pilak na may suotan ng mitsa.

25. Dalawampu rin ang ginawa nilang haligi sa gawing hilaga

26. at apatnapung patungang pilak din, dalawa sa bawat haligi.