Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 25:5-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya;

6. langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso.

7. Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari.

8. Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.

9. Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.

10. “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas.

11. Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto.