Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 25:11-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto.

12. Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila.

13. Gumawa rin kayo ng kahoy na pampasan na yari sa akasya, babalutin din ito ng ginto

14. at isuot ninyo ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid ng kaban upang maging pasanan nito.

15. Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan.

16. Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban.