Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 25:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila.

3. Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso;

4. lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing;

5. balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya;