Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 22:16-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. “Kapag ang isang dalagang hindi pa nakatakdang ikasal ay inakit at sinipingan ng isang lalaki, siya ay pakakasalan ng lalaking iyon at bibigyan ng kaukulang dote.

17. Kung hindi pumayag ang ama na ipakasal ang babae, ibibigay na lang sa ama ang halagang katumbas ng dote.

18. “Ang mga mangkukulam ay dapat patayin.

19. “Sinumang makipagtalik sa hayop ay dapat patayin.

20. “Sinumang maghandog sa diyus-diyosan ay dapat patayin sapagkat kay Yahweh lamang dapat maghandog.

21. “Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto.

22. Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila.