Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 20:11-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.

12. “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

13. “Huwag kang papatay.

14. “Huwag kang mangangalunya.

15. “Huwag kang magnanakaw.

16. “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.