Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 17:11-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalekita.

12. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw.

13. Dahil dito'y natalo ni Josue ang mga Amalekita.

14. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo ang pangyayaring ito upang hindi ninyo malimutan, at sabihin mo naman kay Josue na lilipulin ko ang mga Amalekita.”

15. Nagtayo si Moises ng isang altar at tinawag niya itong, “Si Yahweh ang aking Watawat.”

16. At sinabi niya sa mga tao, “Itaas ninyo ang watawat ni Yahweh! Patuloy niya tayong pangungunahan sa ating pakikipaglaban sa mga Amalekita.”