Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 16:33-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Sinabi naman ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang banga at lagyan mo ng kalahating salop na manna. Pagkatapos, ialay mo sa harapan ni Yahweh upang itago para sa ating magiging mga anak at mga apo.”

34. Gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises, inilagay ni Aaron sa loob ng Kaban ng Tipan ang palayok ng manna.

35. Manna ang kinain ng mga Israelita sa loob ng apatnapung taon, hanggang sa dumating sila sa Canaan. (

36. Ang isang salop ay katumbas ng higit sa apat na litro.)