Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 15:3-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Siya'y isang mandirigma;Yahweh ang kanyang pangalan.

4. “Mga karwahe't kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon,sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling.

5. Sa malalim na dagat sila'y natabunan,tulad nila'y batong lumubog sa kailaliman.

6. Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan,dinudurog nito ang mga kaaway.

7. Sa dakila mong tagumpay, nilulupig ang kaaway;sa matinding init ng iyong poot, para silang dayaming tinutupok.

8. Nang hipan mo ang dagat, tubig ay tumaas,parang pader na tumayo, kailalima'y tumigas.

9. Wika ng kaaway, ‘hahabulin ko sila't huhulihin,kayamanan nila'y aking sasamsamin,at sa tabak kong hawak, sila'y lilipulin.’