Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 13:21-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Sa kanilang paglalakbay araw-gabi, patuloy silang pinapatnubayan ni Yahweh: kung araw ay sa pamamagitan ng haliging ulap at kung gabi'y sa pamamagitan naman ng haliging apoy na tumatanglaw sa kanila.

22. Laging nasa unahan nila ang haliging ulap kung araw at ang haliging apoy kung gabi.