Magandang Balita Biblia Revisi

Exodo 1:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Isacar, Zebulun, Benjamin,

4. Dan, Neftali, Gad at Asher;

5. silang lahat ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto noon.

6. Paglipas ng panahon, namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi.

7. Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at halos napuno nila ang buong lupain.

8. Lumipas ang panahon at nagkaroon ang Egipto ng ibang hari na hindi nakakakilala kay Jose.

9. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila'y patuloy na dumarami at lumalakas kaysa atin.

10. Kailangang gumawa tayo ng paraan upang mapigil ang kanilang pagdami. Baka salakayin tayo ng ating mga kaaway at kumampi pa sila sa mga ito, at pagkatapos ay tumakas sa ating lupain.”