Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi, “Bayang Israel, dinggin ninyo ang kautusan at ang mga tuntuning ibibigay ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong mabuti at tuparin ang mga ito.

2. Ang Diyos nating si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa atin sa Bundok ng Sinai,

3. hindi sa ating mga ninuno kundi sa ating nabubuhay ngayon.

4. Harap-harapan siyang nakipag-usap sa inyo sa bundok mula sa naglalagablab na apoy.

5. Habang ibinibigay niya ang kanyang mga utos, nakatayo ako sa pagitan ninyo at ni Yahweh sapagkat natatakot kayo sa ningas at ayaw ninyong umakyat sa bundok. Sinabi niya:

6. “‘Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.