Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 4:44-49 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

44. Ito ang kautusang ibinigay ni Moises sa mga Israelita,

45. mga batas at tuntuning ipinahayag niya nang sila'y lumabas sa Egipto.

46. Sila noon ay nasa silangan ng Jordan sa libis ng Beth-peor, sakop ni Haring Sihon ng mga Amoreo. Si Haring Sihon ay nagapi nga nina Moises nang sila'y umalis sa Egipto.

47. Sinakop nila ang lupain nito, pati ang lupain ni Haring Og. Ang dalawang haring ito ng mga Amoreo ang sumakop sa silangang bahagi ng Ilog Jordan.

48. Ang lupaing nasakop nila noon ay mula sa Aroer, sa tabi ng Ilog Arnon hanggang Bundok ng Zion o Hermon,

49. sakop din ang buong Araba sa silangan ng Jordan, hanggang sa baybayin ng Dagat na Patay sa paanan ng Bundok ng Pisga.