Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 34:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. At si Moises na lingkod ni Yahweh ay namatay sa lupain ng Moab, tulad ng sinabi ni Yahweh.

6. Inilibing siya ni Yahweh sa isang libis sa Moab sa tapat ng Beth-peor, ngunit hanggang ngayo'y walang nakakaalam ng tiyak na lugar.

7. Siya'y sandaa't dalawampung taĆ³ng gulang nang mamatay. Hindi lumabo ang kanyang paningin at hindi rin nanghina ang kanyang pangangatawan.

8. Tatlumpung araw siyang ipinagluksa ng Israel sa kapatagan ng Moab.

9. Si Josue na anak ni Nun ay napuno ng karunungan sa pamamahala sapagkat ipinatong sa kanya ni Moises ang kanyang mga kamay. Sumunod sa kanya ang mga Israelita at ginawa nila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.