Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 33:5-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Naging hari si Yahweh ng Israel na kanyang bayang hirang,nang ang mga pinuno ng mga lipi nito ay nagkakabuklod.

6. “Ang lipi ni Ruben sana'y manatili,kahit ang bilang niya'y kakaunti.”

7. Tungkol kay Juda ay ganito ang sinabi:“Dinggin mo, Yahweh, ang daing nitong Juda,ibalik mo siya sa piling ng kanyang bayan,at tulungan siya sa pakikipaglaban.”

8. Tungkol kay Levi ay kanyang sinabi:“Ang Tumim ay kay Levi, ang Urim ay sa tapat mong alipin;sa kanya na iyong sinubok sa Masah at sa may tubig ng Meriba.

9. Higit ka niyang pinahalagahan kaysa kanyang mga magulang,pati anak at kapatid ay hindi isinaalang-alang.Upang masunod lang ang iyong kautusan,at maging tapat sa iyong kasunduan.

10. Kaya't siya ang magtuturo sa Israel ng iyong kautusan,siya ang magsusunog ng insenso at mga alay sa altar.

11. Palakasin mo nawa, Yahweh, ang kanyang angkan,paglilingkod niya'y iyong pahalagahan.Durugin mong lahat ang kanyang kaaway,upang di na makabangon kailanman.”

12. Tungkol naman kay Benjamin, ganito ang sinabi:“Mahal ka ni Yahweh at iniingatan,sa buong maghapon ika'y binabantayan,at sa kanyang mga balikat ika'y mananahan.”

13. Tungkol kay Jose ay sinabi:“Pagpalain nawa ni Yahweh ang kanilang lupain,sa hamog at ulan ay palaging diligin,at tubig mula sa lupa ay pabukalin.

14. Magkaroon nawa siya ng mga bungang hinog araw-araw,at mga pagkaing inani sa kapanahunan.