Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 33:25-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Bakal at tanso sana ang pintuan ng iyong mga bayan.Maging mahaba at matatag nawa ang iyong pamumuhay.”

26. Ang iyong Diyos, O Israel, ay walang kagaya,mula sa langit dumarating upang tulungan ka.

27. Sa mula't mula pa'y ang Diyos na ang inyong tanggulan,walang hanggan niyang bisig ang inyong kanlungan.Mga kaaway ninyo'y kanyang ipinagtabuyan,at inutusan kayong sila'y lipuling lubusan.

28. Kaya ang bayang Israel ay nanirahang tiwasay,sa lupaing sagana sa lahat ng bagay,at laging dinidilig ng hamog sa kalangitan.

29. Bansang Israel, ikaw ay mapalad!Walang bansa na iyong katulad,pagkat si Yahweh ang sa iyo'y nagligtas.Siya ang kalasag ng iyong kaligtasan,at tabak ng iyong tagumpay.Magmamakaawa ang iyong mga kaaway,ngunit sila'y iyong tatapakan.